Ang sarap kayang maging Pinoy! |
Ikaw! Pinoy ka ba? Ako Pinoy ako! Pinagmamalaki ko! Tama po Pinagmamalaki ko po na ako ay Pilipino. Kahit saan mo ako tignan ako ay purong Pilipino. Ang Nanay ko Pinay-Kapampangan. Ang Tatay ko Pinoy-Ilonggo. Kapampangan at Ilonggo pinagsama mo ang gandang lahi ang lumabas kami yong magkakapatid. O diba gandang lahi ng mga Montero? Yan ang Pinoy sa looks pa lang wala ng tatalo. Sa kulay natin pinagmamalaki ko rin. Sabi ng ibang maarte dyan itim daw ang kulay natin. Oy, hindi ah! Tayo ay mga Kayumangging Kaligatan! Huwag mo kong tanungin kung ano ang ibig sabihin kaligatan hindi ko rin alam. Hindi ako gumagamit ng pampaputing sabon o umiinom ng gamot na pampaputi dahil ayaw kong pumuti (at wala rin akong perang pambili non)!!! Pinagmamalaki ko ang aking kulay! Pinagmamalaki ko rin ang ating Wika ang Wikang Pilipino. Nagulat ako kamakailan lang na marunong na akong mag sulat at magsalita ng tuwid na Pilipino. Alam nyo ba dati ako ay hirap sa pagsalita ng ating wika. Laging may kahalong Ingles ang aking tagalog. Pero ngayon sa aking pagtuturo sa Paaralan kapag ang paksa na namin ay Pilipino hindi mo na ako mariringgan ng salitang ingles sa aking pananagalog. Ang galing di po ba?
Tayong mga Pinoy ay may kakaibang tatak sa ating kultura at paraan ng pamumuhay na matatawag nating tunay na SARILING ATIN! Halimbawa ang pagsabi ng "Po" at "Opo" Pinoy lang ang may ganyan. Ang paggamit natin ng Tabo pag naliligo. Pag-yuko pag dumadaan sa harap ng TV pag may nanonood. Pinoy na Pinoy yan. Ang pagkahilig natin sa Karaoke este Videoke pala. Dahil ang mg Pinoy ay mahilig kumanta. Ang pagkahilig natin sa Toyo at kung ano-ano pang sawsawan pag kumakain, nakow, Pinoy yan! Ang pagkain ng nakakamay lamang habang nakataas ang isang paa sa bangko, Pinoy na Pinoy yan! Ang pag sabi natin ng "actually" at "You Know" na akala natin ay ang lakas na ng dating natin na mag ingles pag kasama sa pangungusap ang mga ito. Ano pa ba? Ang panonood ng mga teleserye sa gabi, libangang Pinoy yan. Eto pa yung pagkahilig natin sa Text at Facebook at kung ano pang latest; meron tayo nyan!!! Pinoy yan! Kaya nga tayo binansagan na texting capital of the world eh! Hala sige TEXT!
Mayroon din naman tayong mga di-kagandahang ugali na dapat nating palitan ng maganda at dapat na nating tuluyang iwasan. Ano ang mga ito? Yung walang pagrestpeto sa oras ng iba. Ito young tinatawag nating Filipino Time. Yung bang ang katagpo mo dalawang oras nang late sa usapan nyo at pag dating tatawa-tawa pa na parang walang nangyari? Sarap kalbuhin ang mga ganon di po ba?! Ano pa, Yung lagi tayong umaasa sa libre at mura. Aminin. Basta libre at mura susunggaban natin yan kahit di tayo sigurado sa kalidad ng binili o binigay sa atin. Ugaling Pinoy din ang manghingi at manghiram ng bagay na gamit ng iba. Minsan ang humihiram wala ng balikan yan, kung hindi mo tatanungin sa kanya di na nya yata balak ibalik sa yo. Wala namang masama sa panghihiram basta huwag lang umabuso na maya't-maya eh nanghihiram ka. Gawin mo namang mga isang beses sa isang taon naman. Para hindi masyadong obvious! Sa pag tetext may kinaiisan ding ugali ang mga Pinoy dyan. Tulad na lang ang Jejemon. Pinoy ang nagimbento nyan! Salamat naman at di na s'ya uso. at saka yung GM na tinatawag? Group Message ba? Mga kabataang Pinoy nagpauso nyan. Itetext sa yo mga bagay na wala ka namang kinalaman! Salamat sa mga UNLITEXT offers ng mg telcos at usong-uso ang gm na yan! Sa text pa ulit yung mga text na K at HU U? Pinoy na pinoy din yan.
Nakakatawa man kung pag-usapan, pero sa totoo lang hindi natin masyadong binibigyan ng pansin ang mga bagay na ito. Eto ang kabuuan ng pagiging Pilipino. Bigyan natin ng pansin. Kapag ito ay magandang ugali, sana ipagpatuloy nating gawin. At kapag ito naman ay ugaling hindi naman maganda aba eh, sentido komon, tigilan na!
Sana kayo ay nasiyahan sa aking bagong artikulong ito. Mabuhay ang Pilipino sa buong mundo!
Pwede ko kunin ang article mo pru merung acknowledgement na ikaw gumwa?
ReplyDeletehellow alexander salamat sa pag bigay mo ng interes sa aking muntinf artikulo. pasensya ka na kung ngayon ko lang nabasa ang mensahe mo. sige pwede mong gamitin ang article ko. saan mo nga pala ito gagamitin? matanong ko lang. salamat ulit.
Delete