Maramimg kaugalian ang mga Pinoy na masarap pag kwentuhan dahil ito ay magaganda at nakakatawa pa kung minsan. May mga ugali rin ang mga Pinoy na hindi na nakakatuwa! Pero kahit ano pa ang mga ugaling iyan maituturing na natin yang kasama na sa ating kultura. Nakaimbak na yan sa kaibuturan ng ating pagkatao. Masasabi nating hindi na maiaalis yan sa atin. Yan ang TATAK PINOY! Ngunit may mga ugali rin tayong dapat na ayusin at alisin. Yan ang paksa ng aking pinakabagong artikulo sa aking BLOG ang TATAK PINOY!
Pándesal (Spanish: pan de sal, "salt bread") is a bread roll made of flour, eggs, yeast, sugar, and salt. It has become a common food item in the Philippines. |
Ang mga Pinoy pag-nagmahal ay parang pandesal. Mainit at masarap!Lalo na pag kasabay ang kapeng mainit! Pero wag mong iisnabin baka lumamig yan. Pag malamig na yan hindi na masarap. Pandesal. Masarap pag mainit!
A balikbayan box is a carboard box that contains items
or gifts for relatives and friends back in the Philippines.
|
Ang mga Pinoy masyadong maalalahanin! Katulad ng Balikbayan box hindi uuwi ang isang Pinoy na OFW na hindi puno ang kahon na ito ng mga pasalubong para sa kanyang mga Kapamilya at kaibigan! Yan ang Pinoy. Mahilig mag-pasalubong sa mga mahal sa buhay!
Ang mga Pinoy matipid! Lahat ng klase ng katipiran gagawin yan para lang may pambili ng makakain ng kanyang pamilya. Tulad ng Tabo. Matipid sa tubig ang tabo kesa sa shower diba? Yan ang Pinoy Matipid!
CHICHARON is a dish made of fried pork rind.
It is sometimes made from chicken, mutton, or beef.
|
Ang Pinoy Malutong kung tumawa. OO! Mahilig sa komedya ang mga Pinoy. Mahilig silang manood ng mga programang nakakapagbigay saya sa kanila. Kahit sa sandaling panahon ay makalimutan nila ang kanilang suliranin. At pag tumawa naman ang Pinoy, wagas! abot hangang kabilang kanto ang lakas ng tawa! Parang Chicharong maluton...ang Pinoy Malutong Tumawa!
Ang mga Pilipino ay mahilig sumundot katulad ng Sundot Kulangot! OO! Mahilig syang sumundot sa mga kwentuhang buhay na hindi naman nya buhay. In short pakialamero! Sana tanggalin na natin ang ugaling ito. Pati ang tsismis tanggalin na natin ang masamang ugaling ito. Hay Pinoy.
Ang mga Pinoy ay mahilig sa mura! Basta mura sunggab agad! Hindi nya muna uusisain kung ito ba ay makakabuti sa kanya. Ni hindi man tignan kung ito ba ay malinis? O ito ba ay umaandar pa. At dahil sa sugod ng sugod na ugaling ito ng mga Pinoy minsan nasa bandang huli ang pagsisi. Kaya mga ka-Pinoy...huwag sugod ng sugod kahit pinakamura pa ito...kilatisin muna ang kalidad bago bilhin. Baka bandang huli yung akala mong nakatipid ka eh lalo ka pang napamahal.
Ang mga Pinoy malinis na mga tao. Tayo lang yata ang lahi na marunong maligo araw-araw! Sa bahay din mahilg din tayong maglinis ng tahanan natin at magasyos ng ating mga kagamitan sa bahay. Yan ang Pinoy tulad ng walis malinis!
Ang mga Pinoy ay madetalye sa lahat ng bagay. Tulad ng Suyod walang kutong sasantuhin yan lahat ng kuto kuha lahat pati lisa! Ganon din ang mga Pinoy. Pag nagtrabaho tapos yan mula umpisa hangang wakas. Hindi ka iiwan sa ere ng hindi tapos ang gawain! Yan ang Pinoy parang suyod!
FLOODS: This is so common in the Philippines
especially when there is a typhoon. So All the
Filipinos in flood stricken places have their way of
coping up with this disaster.
|
Yan ang Pinoy Malikhain! Tulad ng mamang ito na nakaisip ng paraaan para mkalakad sa daan na hindi naka apak ang paa sa tubig baha. Diba ang galing ng Pinoy. Yan ang Pinoy Malikhain!
Yan ang Pinoy mapagbigay! Tulad ng tricycle na ito na dapat tatlo lang ang kayang isakay, pinilit at pinagkasya ang 8 tao pati na ang driver sa isang tatlong degulong na sasakyan! The Mannier The Merrier ika nga. Yan ang Pinoy! Mapagbigay!
PEEING IN PUBLIC PLACES: This is
a common practice of some Filipino males
They resort to peeing on walls than find
the nearest restroom.
|
Yan ang Pinoy minsan PASAWAY! Kung ano ang bawal yun ang ginagawa! Tulad ng mamang ito na umihi sa kalye at sa tapat pa mismo ng isang karatula na nagsasabing "bawal umihi dito"!!! Ano ba yan! Minsan tayong mga Pinoy eh walang delikadesa. Sana maalis na sa ating kultura ang ganitong kapasawayan! Oo, mukhang nakakatawa ang larawan na ito pero ang ugaling ito ay hindi nakakatawa! Yan ang Pinoy PASAWAY!
Yan ang Pinoy! Hindi man lahat ng ugali ng Pinoy ay nabanggit sa artikulong ito pero halos lahat ng kakatwa at minsan ay nakakainis na ugali ng Pinoy ay nandito na! Kaya sa mga kabababayang Pilipino dito o kung saan man sa mundo! Magbago na tayo sa mga hindi kagandahang ugali natin! Pero ang mga magagandang mga ugali natin ay pagyamanin pa natin!